Martes, Hulyo 3, 2012

CHAPTER 1: GRADE-SCHOOL/CHILHOOD ADVENTURES Part 1- Ang Simula (korni)


Hi!

Call me toph. (O clue nayaan ha, that’s my urbanized childhood nickname haha)

Job? Something medically inclined *cheers!

Age? Early 20s.

5’7, fair-skinned, body type? uhmm somewhere between lean and slim (lol).

Hair? Uhmmm di ko ma-describe it’s kinda Korean-ish? Wavy, misbehaving, but stylish J

Hindi ako pango, the nose yeah I could say it’s presentable enough pero di naman Caucasian level ng pagka-tangos. Deep-set eyes. Wala akong pimples, kalyo, or crater sa mukha. Hello, sa panahon ngayon, priority na ang skin  :)

Description-wise hanggang jan nalang muna siguro..

So let’s go back to the very beginning of my blissful history. *kazaaaaaaam!
(So para mas ma-gets nyo, fine, gagawin kong story-type with all the conversation lines blah blah)
*nga pala, by chapters and parts nalang ha? Para maarte at magulo sa utak ng nagbabasa hahahah.


 CHAPTER 1: GRADE-SCHOOL/CHILHOOD ADVENTURES

Part 1- Ang Simula (korni)

                I was born in a nice place. Isang simpleng bayan lang sya sa Palawan. Whoaaa, did I just mention Palawan? The Philippine’s Last Ecological Frontier? Yep, jan nga ako ipinanganak.
             
   Yung bayan namin maliit lang, madaming tao, bida-bidahan sa mga patimpalak na pang-probinsya. Yung tatay ko, ironically, ay nasa linya ng Law Enforcement. Yung nanay ko naman, medically related yung profession. Masaya yung aking pagkabata, aba, isang zest-o lang o kaya isang bowl lang ng maggi noodles buo na ang araw.

                Pre-school palang ako medyo may mga kakaiba na sa akin. First thing you should know, yung tatay ko kung saan saan nadedestino kaya naiiwan lang ako sa nanay ko at sa mga kamag-anak nya. Karamihan ay babae yung nagaalaga sa akin noon.

Friendly ako noong pre-school ako. Vocal-type and academically driven eh, haha, pero napansin ko noon, mas napapalagay ang loob ko sa girl classmates ko kasi madali ko silang makasundo at kapag naglalaro kami ng boy classmates ko naiirita ako kasi aggressive masyado yung mga trip nila katulad ng paninirador ng aso, suntuk-suntukan, at ang pinaka-hate ko... yung paghukay ng uod sa garden..... sabay lagay sa bag ng classmate.   

Wala pa akong alam sa sex nung mga panahon na iyon, although like every other child, me mga curiosity rin ako at tinatanong ko yun kay mama, sinasagot nya naman, BAD daw yun, di na muna ako nagtanong ulit.

Pero nagbago ang lahat when I turned 6 y/o  and tumungtong ako sa grade 1...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento